
Pagpili
Ilang araw na akong nakakulong,
sa silong ng iyong pagibig.
Sa mga panahong ito,
tila ako’y may nawaglit.
Pilit kong hinanap,
mga alaalang kagabi’y aking kayakap.
Ngunit kahit anong pilit,
tila hindi ko na yata kaya.
Ngayon, ako’y kailangang pumili,
kung ikaw ba o ang aking pinipilit.
Ano ang dapat kong gawin?
Sino ang dapat kong piliin?
Filed under: 1000 Words




Recent Comments